Connect with us

Family

Andi Eigenmann nais masanay ang kaniyang mga anak sa reyalidad ng buhay at pagiging praktikal!

Published

on

Ang maging praktikal at marunong humarap sa reyalidad ng buhay ang nais ni Andi Eigenmann na matutunan ng kaniyang mga anak. Ayon sa mga social media post ni Andi ay talagang nalulungkot siya dahil sa hindi niya kasama ngayon ang kaniyang mga anak at ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo.

Para sa kanila masaya na sila sa simpleng pamumuhay sa isla na hindi na nangangailangan pa ng mga materyal na bagay para lamang maging masaya. Basta’t sama-sama lamang sila ay napakahalagang bagay na nito para sa kanila.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kailangan muna nilang maghiwa-hiwalay pansamantala. Sa ngayon ay ipinagbubuntis ni Andi ang kaniyang ikatlong anak, ikalawang anak nila ni Philmar. Para sa aktres, nais niyang masigurado na lumaking responsible at disiplinado ang kaniyang mga anak.



Nais din niyang mamulat sila ng maaga sa katotohanang hindi lahat ng mga bagay na nais nila ang makakamtan nila. Maaaring hindi ito maging kasing dali o kasing simple ng kanilang naunang plano ngunit ang lahat ay nangyayari nang mayroong kadahilanan.


Kahit pa mahirap ang sitwasyon nila ngayon ay nais pa rin niyang makita ng kaniyang mga anak ang magagandang bagay at mga biyayang nararanasan nila. Hindi rin naman niya nakalimutang magpaabot ng mensahe sa kaniyang minamahal na hindi niya rin kapiling sa ngayon.

Ayon sa kaniyang post ay araw-araw siyang nasasabik sa kaniyang minamahal. Bagamat nalulungkot siya dahil sa hindi sila magkasama sa mga mahahalagang okasyon, hindi nakikita ni Philmar ang paglaki ng kanilang anak sa kaniyang sinapupunan, at hindi rin nito nakikita ang mga “milestones” ng kanilang anak na si Baby Lilo ay pinipilit pa rin niyang maging matatag at positibo.

Nais sana ni Andi na ibahagi sa kaniyang post kung gaano siya nasasabik sa kanilang tahanan, ang isla, ngunit nauwi rin ang kaniyang post sa kaniyang partner na si Philmar. “Home is really where the heart is,” pahayag pa niya.


Family

Baby Tali, nakipag-agawan ng mikropono sa kaniyang Daddy Vic Sotto habang live itong naka-ere sa Eat Bulaga!

Published

on

Kagalakan na ng maraming mga magulang na makitang masaya at malusog ang kanilang mga anak. Tayo ay nagsusumikap at nagtitiyaga sa ating mga trabaho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan at upang mapaglaanan natin ang kanilang mga pangangailangan.

Isa na marahil sa pinakasikat na pamilya ngayon sa bansa ang pamilya nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. Hindi man naging madali ang kanilang pinagdaanan dahil sa hindi naman din lingid sa kaalaman ng publiko ang malaking agwat nila sa kanilang mga edad.

Ngunit sa kabila nito ay nanatili silang matatag, masaya at kuntento. Sa ngayon ay masasabi nating kumpleto na ang buhay ng mag-asawang Vic at Pauleen dahil sa pagdating ng kanilang panganay na anak na si Baby Tali.



Ngayong buwan ng Nobyembre ay magdiriwang siya ng ikatlong taon niyang kaarawan. Talaga namang napakatalino, napakabibo, napamasayahin at napakalusog ng kanilang anak na si Baby Tali.
Sa katunayan nga ay labis siyang kinagigiliwan ngayon ng maraming mga netizens dahil sa naging viral na video ng ginawa niyang pang-aagaw ng mikropono sa kaniyang Daddy Vic habang naghohost ito ng longtime running show nila na Eat Bulaga! Mapapanuod sa naturang video na kasalukuyang nagtatrabaho si Vic at naghohost ng programa nang bigla na lamang agawin ni Baby Tali ang kaniyang mikropono na tila ba ayaw siyang payagan na magsalita.

Ayon naman sa mga salitang binitawan ng batikang komedyante ay kailangan niyang magtrabaho upang mayroon silang pambili ng gatas ni Baby Tali dahil sa napakalakas nitong tumoma. Hindi rin naman napigilan ng iba pang Dabarkad hosts tulad nina Pia Guanio, Maine Mendoza at Jose Manalo na matuwa sa napakacute na kakulitan ni Baby Tali.

 

View this post on Instagram

 

Ayaw bigyan ng mic 😂 kulit mo Tali, nagtatrabaho pa si Daddy 😆 #TalithaMaria

A post shared by Talitha Maria Luna Sotto 🌸 (@love.talitha) on

Mayroon pa siyang isang video kasama ang kaniyang Daddy kung saan makikita na lamang na naglalaro si Baby Tali sa tabi ng kaniyang ama habang nagtatrabaho ito at talagang behave na behave.


Continue Reading

Family

Anak nina Mariel at Robin Padilla nagdiwang ng ika-11 buwang gulang sa masayang Care Bear pajama-themed party!

Published

on

Kasiyahan na ng maraming mga magulang ang maibigay ang hilig o gusto ng kanilang mga anak lalo na sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan. Wala tayong ibang nais kundi ang ikasasaya at ikatutuwa nila.

Kung kaya naman kahit bata pa sila ay talagang ginagawa natin ang lahat upang mapaligaya sila. Tulad na lamang ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla na masayang ipinagdiwang ang ika-11 buwang gulang ng kanilang bunsong anak na si Maria Gabriela.

Tuwang-tuwa siya dahil sa naghanda ang kaniyang mga magulang ng Care Bear Pajama Themed Party para sa kaniya. Maaaring musmos pa siya at hindi niya maaalala ang mga ito sa kaniyang pagtanda ngunit wala pa ring makakapantay sayang nadarama niya at ng kaniyang pamilya habang sila ay nagkakaroon ng kasiyahan.



Oktubre 16 nang ibahagi ni Mariel ang ilang mga larawan ng naging selebrasyon nilang pamilya. Ayon pa sa naging pahayag niya ay marunong na diumanong magsabi ang kaniyang anak kung ano ang gusto niya, kung saan niya gustong pumunta at kung anong kanta ang nais niyang pakinggan.


Napakaganda ng naging paghahanda para sa espesyal na araw na ito ni Gabriela kahit pa nga sa loob lamang ng kanilang tahanan ginanap ang lahat. Nakasuot din naman ng makukulay na mga kasuotan ang buong mag-anak. Kulay asul ang suot ni Robin habang naka-pink naman si Mariel.

Nakasuot naman ng kulay dilaw na costume si Isabella at light blue naman para kay Gabriela. Maraming mga netizens naman ang talagang natuwa sa naging selebrasyong ito ng Padilla family.

Tiyak na mas aabangan ng publiko ang selebrasyon para sa isang taong kaarawan ng kanilang bunso. Si Mariel Rodriguez-Padilla ay 36 taong gulang na commercial model, endorser, television host, VJ at aktres.

Taong 2010 nang ikinasal siya sa action star at director na si Robin Padilla sa Taj Mahal sa India. Naranasan na ni Mariel ang makunan noon nang ilang beses kung kaya naman talagang naging maingat na siya ng ipinagbuntis niya ang kaniyang anak na si Maria Isabella na isinilang noong 2016 at si Maria Gabriela


Continue Reading

Family

Ito na pala ang buhay ngayon ng sikat na Mexican actress na si Thalia!

Published

on

Bago pa man sumikat ang mga Korean dramas sa bansa ay una nang napamahal sa atin ang mga Mexican dramas. Marahil ilan sa mga hindi natin makakalimutang programa noong atin kabataan ay ang MariMar, Rosalinda, Maria la del Barrio, Maria Mercedes at marami pang iba.

Ngunit ang aktres pala sa likuran ng mga sikat na karakter na ito ay walang iba kundi si Thalia. Si Thalia ay si Ariadna Thalía Sodi Miranda sa tunay na buhay.

Siya ay 49 na taong gulang na aktres, singer, at businesswoman. Talaga namang hinangaan siya ng maraming mga tao sa buong mundo hindi lamang sa pagiging mahusay niyang aktres kundi maging sa pambihirang talento niya rin sa pag-awit.



Binansagan din siyang “Queen of Latin Pop” dahil sa mga sold out albums at concerts niya. Kilala din siya bilang “Queen of Telenovelas” dahil sa mga nagawa niyang proyekto na hanggang sa ngayon ay hinahangaan pa rin ng publiko.

Kahit pa nga hindi na natin siya madalas makita sa harap ng telebisyon ngayon ay aktibo pa rin pala siya sa kaniyang karera sa Mexico. Taong 2017 lamang ay nagkaroon siya ng matagumpay na concert tour at album na talagang sinuportahan ng napakarami niyang mga tagahanga sa buong mundo.

Dahil na rin sa pambihirang dedikasyon niya sa kaniyang trabaho ay mayroon na siya ngayong $60 milyon net worth. Masayang masaya rin siya sa piling ng kaniyang pamilya ngayon.

Napangasawa niya si Tommy Motola (71) na isang American music executive, producer at author noong 2000. Nabiyayaan sila ng dalawang mga anak sina Sabrina Sakaë Mottola na ipinanganak noong taong 2007 at Matthew Alejandro Mottola na isinilang naman noong 2011.

Tunay ngang wala nang mahihiling pa sa kaniyang buhay ngayon sa Thalia dahil sa halos lahat ng pinapangarap ng isang babae ay nasa kaniya na. Tiyak na marami pa ang magkakaroon ng magandang inspirasyon dahil sa kwentong ito ng kaniyang buhay at tagumpay.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org