Connect with us

Family

Baby Tali, nakipag-agawan ng mikropono sa kaniyang Daddy Vic Sotto habang live itong naka-ere sa Eat Bulaga!

Published

on

Kagalakan na ng maraming mga magulang na makitang masaya at malusog ang kanilang mga anak. Tayo ay nagsusumikap at nagtitiyaga sa ating mga trabaho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan at upang mapaglaanan natin ang kanilang mga pangangailangan.

Isa na marahil sa pinakasikat na pamilya ngayon sa bansa ang pamilya nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. Hindi man naging madali ang kanilang pinagdaanan dahil sa hindi naman din lingid sa kaalaman ng publiko ang malaking agwat nila sa kanilang mga edad.

Ngunit sa kabila nito ay nanatili silang matatag, masaya at kuntento. Sa ngayon ay masasabi nating kumpleto na ang buhay ng mag-asawang Vic at Pauleen dahil sa pagdating ng kanilang panganay na anak na si Baby Tali.



Ngayong buwan ng Nobyembre ay magdiriwang siya ng ikatlong taon niyang kaarawan. Talaga namang napakatalino, napakabibo, napamasayahin at napakalusog ng kanilang anak na si Baby Tali.
Sa katunayan nga ay labis siyang kinagigiliwan ngayon ng maraming mga netizens dahil sa naging viral na video ng ginawa niyang pang-aagaw ng mikropono sa kaniyang Daddy Vic habang naghohost ito ng longtime running show nila na Eat Bulaga! Mapapanuod sa naturang video na kasalukuyang nagtatrabaho si Vic at naghohost ng programa nang bigla na lamang agawin ni Baby Tali ang kaniyang mikropono na tila ba ayaw siyang payagan na magsalita.

Ayon naman sa mga salitang binitawan ng batikang komedyante ay kailangan niyang magtrabaho upang mayroon silang pambili ng gatas ni Baby Tali dahil sa napakalakas nitong tumoma. Hindi rin naman napigilan ng iba pang Dabarkad hosts tulad nina Pia Guanio, Maine Mendoza at Jose Manalo na matuwa sa napakacute na kakulitan ni Baby Tali.

 

View this post on Instagram

 

Ayaw bigyan ng mic 😂 kulit mo Tali, nagtatrabaho pa si Daddy 😆 #TalithaMaria

A post shared by Talitha Maria Luna Sotto 🌸 (@love.talitha) on

Mayroon pa siyang isang video kasama ang kaniyang Daddy kung saan makikita na lamang na naglalaro si Baby Tali sa tabi ng kaniyang ama habang nagtatrabaho ito at talagang behave na behave.


Family

Anak nina Mariel at Robin Padilla nagdiwang ng ika-11 buwang gulang sa masayang Care Bear pajama-themed party!

Published

on

Kasiyahan na ng maraming mga magulang ang maibigay ang hilig o gusto ng kanilang mga anak lalo na sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan. Wala tayong ibang nais kundi ang ikasasaya at ikatutuwa nila.

Kung kaya naman kahit bata pa sila ay talagang ginagawa natin ang lahat upang mapaligaya sila. Tulad na lamang ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla na masayang ipinagdiwang ang ika-11 buwang gulang ng kanilang bunsong anak na si Maria Gabriela.

Tuwang-tuwa siya dahil sa naghanda ang kaniyang mga magulang ng Care Bear Pajama Themed Party para sa kaniya. Maaaring musmos pa siya at hindi niya maaalala ang mga ito sa kaniyang pagtanda ngunit wala pa ring makakapantay sayang nadarama niya at ng kaniyang pamilya habang sila ay nagkakaroon ng kasiyahan.



Oktubre 16 nang ibahagi ni Mariel ang ilang mga larawan ng naging selebrasyon nilang pamilya. Ayon pa sa naging pahayag niya ay marunong na diumanong magsabi ang kaniyang anak kung ano ang gusto niya, kung saan niya gustong pumunta at kung anong kanta ang nais niyang pakinggan.


Napakaganda ng naging paghahanda para sa espesyal na araw na ito ni Gabriela kahit pa nga sa loob lamang ng kanilang tahanan ginanap ang lahat. Nakasuot din naman ng makukulay na mga kasuotan ang buong mag-anak. Kulay asul ang suot ni Robin habang naka-pink naman si Mariel.

Nakasuot naman ng kulay dilaw na costume si Isabella at light blue naman para kay Gabriela. Maraming mga netizens naman ang talagang natuwa sa naging selebrasyong ito ng Padilla family.

Tiyak na mas aabangan ng publiko ang selebrasyon para sa isang taong kaarawan ng kanilang bunso. Si Mariel Rodriguez-Padilla ay 36 taong gulang na commercial model, endorser, television host, VJ at aktres.

Taong 2010 nang ikinasal siya sa action star at director na si Robin Padilla sa Taj Mahal sa India. Naranasan na ni Mariel ang makunan noon nang ilang beses kung kaya naman talagang naging maingat na siya ng ipinagbuntis niya ang kaniyang anak na si Maria Isabella na isinilang noong 2016 at si Maria Gabriela


Continue Reading

Family

Ito na pala ang buhay ngayon ng sikat na Mexican actress na si Thalia!

Published

on

Bago pa man sumikat ang mga Korean dramas sa bansa ay una nang napamahal sa atin ang mga Mexican dramas. Marahil ilan sa mga hindi natin makakalimutang programa noong atin kabataan ay ang MariMar, Rosalinda, Maria la del Barrio, Maria Mercedes at marami pang iba.

Ngunit ang aktres pala sa likuran ng mga sikat na karakter na ito ay walang iba kundi si Thalia. Si Thalia ay si Ariadna Thalía Sodi Miranda sa tunay na buhay.

Siya ay 49 na taong gulang na aktres, singer, at businesswoman. Talaga namang hinangaan siya ng maraming mga tao sa buong mundo hindi lamang sa pagiging mahusay niyang aktres kundi maging sa pambihirang talento niya rin sa pag-awit.



Binansagan din siyang “Queen of Latin Pop” dahil sa mga sold out albums at concerts niya. Kilala din siya bilang “Queen of Telenovelas” dahil sa mga nagawa niyang proyekto na hanggang sa ngayon ay hinahangaan pa rin ng publiko.

Kahit pa nga hindi na natin siya madalas makita sa harap ng telebisyon ngayon ay aktibo pa rin pala siya sa kaniyang karera sa Mexico. Taong 2017 lamang ay nagkaroon siya ng matagumpay na concert tour at album na talagang sinuportahan ng napakarami niyang mga tagahanga sa buong mundo.

Dahil na rin sa pambihirang dedikasyon niya sa kaniyang trabaho ay mayroon na siya ngayong $60 milyon net worth. Masayang masaya rin siya sa piling ng kaniyang pamilya ngayon.

Napangasawa niya si Tommy Motola (71) na isang American music executive, producer at author noong 2000. Nabiyayaan sila ng dalawang mga anak sina Sabrina Sakaë Mottola na ipinanganak noong taong 2007 at Matthew Alejandro Mottola na isinilang naman noong 2011.

Tunay ngang wala nang mahihiling pa sa kaniyang buhay ngayon sa Thalia dahil sa halos lahat ng pinapangarap ng isang babae ay nasa kaniya na. Tiyak na marami pa ang magkakaroon ng magandang inspirasyon dahil sa kwentong ito ng kaniyang buhay at tagumpay.


Continue Reading

Family

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ayaw lumaki sa luho ang kanilang mga anak!

Published

on

Si Judy Anne Lumagui Santos-Agoncillo o mas nakilala ng publiko bilang si Judy Ann Santos ay 42 taong gulang na aktres, host, recording artist, film producer, author, at restaurateur. Isa siya sa pinakahinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon dahil sa pambihirang talento niya sa pag-arte.

Hindi na rin mabilang ang mga parangal at pagkilalang kaniyang natanggap mula pa noong magsimula siya sa kaniyang karera. Sa ngayon ay hindi na siya ganoon ka-aktibo sa harap ng kamera ngunit gumagawa pa rin naman siya ng teleserye o pelikula.

Taong 2009 nang ikinasal siya sa batikang host na si Ryan Agoncillo. Sa ngayon ay mayroon na silang tatlong mga anak sina Yohan, Lucho (Juan Luis) at Luna (Juana Luisa).



Para sa mag-asawa, ayaw nilang lumaking maluho ang kanilang mga anak kung kaya naman sinisikap nilang gabayan at turuan ang mga ito habang bata pa sila. Sa naging panayam sa kanila ng “The Asian Parent” sa “Klook Travel Fest” mahilig talagang bumiyahe ang buong pamilya sa loob at labas ng bansa.


Ngunit sa bawat pagbiyahe nila ay sinisigurado nilang nakaplano at naka-budget ang lahat. Madalas din ay walang mga kasamang yaya ang pamilya kung magbabakasyon sila sa ibang bansa dahil sa nais nilang maging responsable at disiplinado ang kanilang mga anak kahit sa mga simpleng bagay lamang na kaya na nilan gawin mag-isa.

Talaga namang maraming mga netizens ang bumilib sa mag-asawang ito dahil sa kahit pa marami silang mga negosyo at investment hindi nila sinasanay sa mga materyal na bagay ang kanilang mga anak. Para sa kanila ay mahalagang mamulat ang kanilang mga anak na hindi lahat ng gusto nila ay makukuha nila ng basta basta na lamang.

Minsan nga ay nasubukan ding magbakasyon ng pamilya kung saan pera mismo ng mga bata ang ginastos nila upang malaman nila ang kahalagahan ng bawat sentimong mayroon sila. Maraming mga netizens ang talagang humanga kina Ryan at Juday dahil kahit pa nga matagumpay at mayaman na sila ay nais pa rin nilang turuan ang kanilang mga anak na magpahalaga sa bawat bagay na mayroon sila.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org