Connect with us

Celebrity

Bela Padilla masayang ibinahagi sa publiko ang lalaking nagpapatibok ngayon ng kaniyang puso!

Published

on

Sabi ng mga matatanda, ang magmahal at mahalin ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo. Marami sa atin ang lubos na pinagpala dahil sa maaga nating nakilala ang taong magmamahal sa atin ng buong buo.

Ngunit hindi lahat ay pinalad na maranasan ito dahil mayroon ding iilan na nakaranas muna ng pighati, hinagpis, at kabiguan bago pa man maranasan ang tunay na pagmamahal. Marahil ay hindi na bago sa publiko ang naging buhay pag-ibig ng sikat na aktres na si Bela Padilla na nagmahal ngunit nasaktan lamang sa huli.

Buti na lamang at sa wakas ay natagpuan na rin niya ang taong magmamahal sa kaniya. Siya ay walang iba kung hindi si Norman Ben Bay inilarawan siya ng aktres bilang “The One I Met in St. Gallen”.



Maraming mga netizens ang kinilig dahil sa ibinahaging larawan ni Bela kung saan makikita ang naging bakasyon nilang magkasintahan sa Cappadocia, Turkey. Talaga namang mababakas sa kanilang mga mata ang tunay na kaligayahan sa piling ng isa’t-isa.

Maaalalang gumawa ng isang pelikula noon si Bela na pinamagatang “Meet Me in St. Gallen” na ginanap sa St. Gallen, Switzerland noong taong 2018. Nagkomento din naman si Norman sa naging social media post ng aktres at nagsabi ng mga katagang “Hi, love,”

Mas pinakilig ng dalawa ang maraming mga netizens dahil magkaiba man sila ng lahi at nasa magkaibang lugar man sila sa mundo ay posible palang magmahalan at bumuo ng masasayang alaala ang isa’t-isa. Si Bela o si Krista Elyse Hidalgo Sullivan sa tunay na buhay ay 29 na taong gulang na aktres, film producer, screenwriter, television host, at brand ambassador.

Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng show business at talaga namang hinahangaan siya ng marami dahil sa pambihirang husay niya sa pag-arte. Mayroon din siyang nakakatuwang personalidad na talaga namang makikita sa kaniyang mga interviews at mga social media post.


Celebrity

Pauleen Luna may nakakakilig na mensahe sa kaniyang mister na si Vic Sotto para sa ika-9 na taong anibersaryo nilang dalawa!

Published

on

Marami sa atin ang pinagpala pagdating sa mga taong nakarelasyon at naging mga katuwang natin sa buhay. Dahil sa pagmamahal, respeto at pang-unawa nila sa atin ay talaga namang naging mas matatag at maganda ang ating pagsasama.


Sa kasamang palad ay mayroon din namang mga taong hindi pinalad na makatagpo ng taong magmamahal at rerespeto sa kanila bilang isang lalaki o bilang isang babae. Kamakailan lamang ay naging inspirasyon sa publiko ang ika-9 na taong pagdiriwang ng celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ng kanilang halos isang dekadang pagsasama bilang magkarelasyon.


Sa naging social media post ni Pauleen ay talaga namang nakaramdam ng kilig ang maraming mga netizens. Ayon kasi sa simple ngunit nakakaantig na post ni Pauleen ay hindi pa rin niya lubos maisip na asawa na niya ngayon si Vic.


Inalala pa niya ang unang beses na tinawagan siya nito na talaga namang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan. Para kay Pauleen, ito na ang pinakamasayang bahagi ng kaniyang buhay.

Dahil dumating sa buhay niya ang kaniyang dating kasintahan at mister na ngayon na si Vic ay mas nagkaroon pa siya ng dahilang mabuhay. Minsan na ding sinagot ni Pauleen ang tanong kung hindi nga ba siya naapektuhan ng halos 35 taon nilang age gap ng kaniyang mister.




Ayon naman sa kaniya, kailan man ay hindi siya sinigawan ni Vic. Palagi niyang pinaparamdam na mahal siya nito, nirerespeto siya nito ng buong puso kahit ano pa ang kanilang edad.

Hindi niya naramdaman na bata ang turing sa kaniya ng kaniyang mister at talaga namang ipinagpapasalamat niya ito sa Diyos. Tunay nga na kahit napakaraming mga tao ang humuhusga sa kanilang pag-iibigan ay hindi sila nagpapaapekto.


Bagkus ay mas nagiging matatag pa sila sa paglipas ng panahon at mas lalong minamahal nila ang isa’t-isa. Lalo na sa ngayon na sila ay hindi lamang isang mag-asawa kundi mga magulang na rin sa kanilang 3 taong gulang na anak na si Baby Tali.


Continue Reading

Celebrity

Lyca Gairanod , ipinasilip sa publiko ang naipundar niyang bahay sa Cavite para sa kaniyang pamilya!

Published

on

Si Lyca Jane Epe Gairanod o mas nakilala ng publiko bilang si Lyca Gairanod ay 15 taong gulang na singer at aktres. Siya ang tinanghal na grand winner sa unang season ng “The Voice Kids Philippines” kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na makatanggap ng recording contract mula sa MCA Music Inc. Siya ay ipinanganak noong taong 2004 sa Tanza, Cavite.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang mahirap nilang pamumuhay noon ng kaniyang pamilya. Namumulot at nangongolekta lamang kasi noon ang kaniyang ina ng mga plastic, dyaryo, bote, karton, at iba pang mga bagay na maaaring maibenta sa mga “junk shop”.

Ang kaniyang ama naman ay nangingisda upang mayroong pandagdag sa kanilang mga gastusin. Kahit musmo pa lamang noon si Lyca ay talagang sinisikap na niyang tumulong sa kaniyang pamilya. Madalas ay kumakanta siya para sa kanilang mga kapit-bahay kapalit ay pagkain o kaunting halaga.



Tunay nga na hindi naging madali ang lahat para sa kaniya at sa kaniyang pamilya ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy pa rin silang lumaban sa mga pagsubok ng buhay. Makalipas ang ilan pang mga taon ay sinubukan niyang lumahok sa mga singing contest hanggang sa nabigyan siya ng pagkakataong makasali sa “The Voice Kids Philippines” kung saan siya tinanghal na kampeon. Mula noon ay nagbago na ang kanilang buhay.


Kung dati ay hirap na hirap silang makahanap ng pera para sa kanilang araw-araw na pangkain, ngayon ay maayos na silang nakakakain palagi at mayroon na rin silang maayos na bahay. Kamakailan nga lamang ay ipinasilip din ni Lyca sa marami niyang mga tagahanga at tagasuporta ang simple ngunit komportable nilang tahanan.

Ang tahanan niyang ito ay matatagpuan sa Cavite. Tulad ng mga ordinaryong bahay ng marami sa atin ay mayroon din itong kusina, banyo, kainan, kwarto at stockroom o imbakan. Simple lamang ang kanilang tahanan ngunit maayos at maaliwalas ito.

Bakas din naman sa mga mata ni Lyca na sa ngayon ay kuntento na siyang mayroong maayos na masisilungan ang buo niyang pamilya sa bahay na kaniyang naipundar mula sa kaniyang pagpapagal sa showbiz. Ibinahagi din niyang marami pa siyang plano sa bahay nilang ito ngunit sa ngayon ay talagang komportable at masaya sila sa kung anong mayroon sila basta’t magkakasama silang mag-anak.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org