Connect with us

Showbiz

Bela Padilla, proud na ipinakilala sa publiko ang kaniyang foreigner boyfriend!

Published

on

Sa buhay, marami tayong mararanasan na mga pagsubok, sakripisyo at kabiguan. Hindi madaling malampasan ang mga ito ngunit sa tulong ng pagmamahal natin sa ating sarili at suporta ng ating mga mahal sa buhay ay makakayanan din natin ang mga ito.


Tulad na lamang halimbawa ng naging karanasan ni Bela Padilla. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami niyang mga tagahanga ang naging masalimuot niyang buhay pag-ibig.

Ayon sa ilang mga ulat ay nakarelasyon niya noon ang kilalang producer na si Neil Arce ngunit hindi rin naging matagumpayan ang kanilang relasyon. Sa ngayon ay malapit nang ikasal si Neil Arce sa aktres na si Angel Locsin.


Napabalita din noon ang diumano’y pagkakamabutihan nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla ngunit hindi naman umamin ang dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon sa isa’t-isa. Hanggang dumating ang panahon na unti-unti na lamang nawala ang usap-usapan tungkol sa kanilang naging ugnayan.

At makalipas nga ang matagal na panahon, sa wakas ay natagpuan na ni Bela ang taong magmamahal sa kaniya ng wagas at mamahalin niya rin ng buong puso. Siya ay walang iba kundi ang foreigner na si Norman Ben Bay.




Nagbahagi ng ilang mga larawan ang aktres sa kaniyang social media account kung saan makikita ang napakasweet nilang mga larawan sa Cappadocia, Turkey. Mayroon itong caption na “The One I Met in St. Gallen”.

Maaalalang hinangaan ang aktres noon sa naging pagganap niya sa kaniyang pelikula noong 2018 na mayroong pamagat na “Meet Me In St. Gallen”. Nakakakilig din naman ang palitan nila ng comment sa social media.


“Love” ang tawag ni Norman sa aktres. Talaga namang kilig na kilig ang maraming mga netizens sa bagong pag-ibig at kaligayahang ito ni Bela. Si Krista Elyse Hidalgo Sullivan o mas nakilala ng publiko bilang si Bela Padilla ay 29 na taong gulang na aktres, film producer, screenwriter, host, and modelo.


Showbiz

Charee Pineda, ligtas na isinilang ang panganay nilang anak ng kaniyang mister!

Published

on

Si Crissha Morrison Pineda o si Charee Pineda-Soledad ay 30 taong gulang na aktres at pulitiko. Siya ay unang nakilala bilang isang Kapamilya artist kung saan siya nakagawa ng ilang mga proyekto tulad na lamang ng “Let’s Go”, “Katorse”, “Precious Hearts Romances Presents: Alyna”, “Angelito: Batang Ama” at “Angelito: Ang Bagong Yugto”.

Matapos nito ay lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan din siya ng maraming mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Sa ngayon ay “incumbent councilor” siya ng Valenzuela City.

Kamakailan lamang ay binati siya ng maraming mga netizens dahil sa pagsisilang niya sa kanilang panganay na anak. Nagsilang ng isang “baby boy” ang aktres na pinangalan nilang Baby Cesco o Martell Franceso Soledad.



“My answered prayer” at “Early Christmas present” nga ang paglalarawan ni Charee sa kanilang anak. Talaga namang walang mapagsidlan ang kaniyang kagalakan.

“My answered prayer. My baby Martell Francisco Soledad! So many blessing to be thankful for. First, Thank you Lord for our super early Christmas present. Thank you for keeping us safe.” Pagbabahagi ni Charee sa kaniyang Instagram post.

Nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa naging ligtas ang kaniyang pagsilang, ligtas siya at ang kaniyang anak kahit pa nga 38 weeks pa lamang si Baby Cesco. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga doktor at nars na nag-asikaso sa kanilang mag-ina.

Maging ang kaniyang mister na si Martell ay nagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at nagdasal para sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Biro pa niya, panay kausap daw kasi ni Charee sa kanilang anak habang nasa sinapupunan pa niya ito.

Nais ni Charee na makasama na nila si Baby Cesco bago sumapit ang Kapaskuhan kung kaya naman Nobyembre 28, 2020 nang maipanganak siya. Tunay nga na walang makapapantay sa kaligayahan nadarama ng mga magulang oras na masilayan nila ang kanilang supling.

Maaaring mahirap ang pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ng bata ngunit ang karanasang ito ay magkasamang pinagdaraanan ng mag-asawa na lalong nakapagpapatatag sa kanilang pagsasamahan.


Continue Reading

Showbiz

Ryza Cenon at asawa nito, isang anak lamang ang nais. Ito pala ang kanilang dahilan!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang biyayang maituturing mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga magulang ay binibiyayaan ng anak o ng mga anak kung kaya naman talagang masayang masaya ang mga mag-asawa na nagkakaroon ng sarili nilang mga anak.

Kamakailan lamang ay nabigla nga ang publiko sa naging rebelasyon ng aktres na si Ryza Cenon na siya ay nagdadalang tao. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na kakahiwalay pa lamang nila ng kaniyang dating nobyo na si Cholo Barretto na isa ring sikat na aktor.

Sa kabila ng kabiguang ito ay nakatagpo siyang muli ng bagong pag-ibig sa katauhan ng kaniyang nobyo ngayon na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer at anak ng isa sa pinakasikat na “production designer” sa bansa. Ayon sa ilang mga ulat ay nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan.



Matapos ang halos pitong buwang panliligaw ni Miguel ay nakamit din niya ang matamis na oo ng aktres. Enero 2020 nang maging magkasintahan na nga ang dalawa. At Oktubre 31, 2020 naman ay nabiyayaan na sila ng isang supling, ang kanilang panganay na anak na lalaki na pinangalanan nilang “Knight”.


Talaga namang inabangan ng maraming mga tagahanga ni Ryza ang panganganak niya at ilang linggo lamang matapos niyang makapagsilang ay naitampok nila sa YouTube channel ni Ryza ang kanilang plano na magkaroon lamang ng isang anak. Para kasi sa kanila, nais nilang mapaglaanan ng buong atensyon, oras, at panahon ang kanilang anak.

Nais din nilang masigurado ang magandang kinabukasan nito lalo na at hindi na rin naman biro ang mahal ng mga bilihin at ng matrikula sa kolehiyo. Bagamat napag-uusapan na ito ng mag-asawa ay hindi pa rin naman nila tuluyang isinasara ang kanilang pintuan kung sakaling mabibiyaan pa silang muli ng isa pang anak.


Ngunit para sa ngayon ay nais na muna nilang magpokus sa pag-aalaga ng kanilang anak.


Continue Reading

Showbiz

Richard Gomez nagpahayag ng kaniyang reaksyon patungkol sa pagdadalaga at pakikipagdate ng kaniyang unica hija na si Julianna!

Published

on

Walang ibang hangad ang mga magulang kundi ang pagtatagumpay ng kanilang mga anak. Mahirap man at maraming sakripisyo ang pagiging isang ama o ina ay talaga namang napapawi ang mga ito ng pagmamahal at pagrespeto ng kanilang mga anak sa kanila.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi habang panahon ay mananatiling bata ang mga anak, darating din kasi ang tamang panahon na magkakaedad sila at magkakaroon ng sarili nilang mga buhay. Sa ngayon nga ay unti-unti nang tinatanggap ng aktor na si Richard Gomez ang pagdadalaga ng kaniyang unica hija na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez o mas nakilala ang publiko bilang si Juliana.

Bagamat nasa edad na ang kaniyang anak upang magdesisyon sa kaniyang sarili at tumuklas ng maraming mga bagay, hindi pa rin nawawala ang pagiging “protective father” ni Richard. Nais niyang protektahan ang kaniyang anak ngunit ayaw din naman niyang maging sobrang mahigpit dahil sa hindi rin naman ito makakatulong sa pagpapalaki nilang mag-asawa sa kaisa-isa nilang anak.




Aminado din naman ang aktor na lumalaking responsable at napakagandang dalaga ni Juliana kung kaya naman hindi na siya magtataka na maraming mga lalaki ang talagang umaaligid sa kaniyang anak. Dagdag pa niya, wala namang masama rito dahil sa parte talaga ito ng buhay ng isang tao at hindi rin naman niya maaaring pigilan ang kaniyang anak na gawin ito.

Para sa kaniya ay mas mabuting payagan na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak at bigyan ng pagtitiwalang nararapat para sa kanila sa halip naman na tumakas o magsinungaling pa ang mga ito sa kanila. Magiging dahilan pa ito ng pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ng magulang at anak.

Sa tuwing mayroon namang ipapakilalang binata sa kaniya ang kaniyang anak na si Juliana ay madalas na hindi na lamang siya nagsasalita dahil sa wala talaga siyang masabi at iyon na lamang talaga ang kaniyang nagiging reaksyon, “speechless” wika niya.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org