Connect with us

Family

Ikatlong anak ni Regine Tolentino na si Baby Rosie, ating kilalanin!

Published

on

Si Regine Tolentino ay 40 taong gulang na host, aktres, dancer, fashion designer, social media influencer, modelo at businesswoman. Talaga namang labis siyang hinangaan ng publiko dahil sa mala-Diyosa niyang kagandahan at sexy niyang pangangatawan.


Nito lamang Marso ay labis na nasopresa ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta dahil sa isinilang na pala niya ang ikatlong niyang anak na pinangalan nilang Baby Rosie. Tulad ng ilang mga “proud mommy”, gustong gusto din ni Regine na kuhanan ng larawan ang kaniyang anak.


Kung kaya naman palagi itong nakakatanggap ng mga papuri at magagandang komento mula sa mga netizens na gandang ganda kay Baby Rosie. Palagi kasi itong nakasuot ng kaniyang OOTD o Outfit of the Day.


Halos 18 taon na din ang nakararaan buhat nang huli siyang manganak kung kaya naman marami din ang nag-alala para sa kaniya. Ngunit naging matagumpay naman at maayos ang kaniyang panganganak kung kaya naman binati na lamang nila sina Regine at naging masaya sa bagong biyaya sa kaniyang buhay.


Maaalalang 1997 pa nang ikasal si Regine sa kaniyang dating asawa na si Lander Vera Perez ngunit 2016 nang isapubliko nila ang kanilang paghihiwalay. Ang naging pagsasama nila ay nagbunga ng dalawang mga anak na babae, sina Azucena Reigne at Alyssandra Reigen na tulad ni Regine ay nagtataglay din ng pambihirang kagandahan.



Hindi man naging panghabang panahon ang una niyang relasyon ay nagsilbi pa rin siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan dahil sa pinalad siyang makakilala muli ng lalaking magmamahal sa kaniya at sa kaniyang mga anak at mamahalin niya rin ng wagas. Patunay lamang ito na hindi natatapos sa kalungkutan at pighati ang lahat ng bagay.


Darating din ang panahon na magiging masaya at buo kang muli. Buti na lamang at maraming nagmamahal at sumusuporta kay Regine, ang kaniyang mga mahal sa buhay, tunay na mga kaibigan at todo suporta niyang mga tagahanga.


Family

Baby Tali, nakipag-agawan ng mikropono sa kaniyang Daddy Vic Sotto habang live itong naka-ere sa Eat Bulaga!

Published

on

Kagalakan na ng maraming mga magulang na makitang masaya at malusog ang kanilang mga anak. Tayo ay nagsusumikap at nagtitiyaga sa ating mga trabaho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan at upang mapaglaanan natin ang kanilang mga pangangailangan.

Isa na marahil sa pinakasikat na pamilya ngayon sa bansa ang pamilya nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto. Hindi man naging madali ang kanilang pinagdaanan dahil sa hindi naman din lingid sa kaalaman ng publiko ang malaking agwat nila sa kanilang mga edad.

Ngunit sa kabila nito ay nanatili silang matatag, masaya at kuntento. Sa ngayon ay masasabi nating kumpleto na ang buhay ng mag-asawang Vic at Pauleen dahil sa pagdating ng kanilang panganay na anak na si Baby Tali.



Ngayong buwan ng Nobyembre ay magdiriwang siya ng ikatlong taon niyang kaarawan. Talaga namang napakatalino, napakabibo, napamasayahin at napakalusog ng kanilang anak na si Baby Tali.
Sa katunayan nga ay labis siyang kinagigiliwan ngayon ng maraming mga netizens dahil sa naging viral na video ng ginawa niyang pang-aagaw ng mikropono sa kaniyang Daddy Vic habang naghohost ito ng longtime running show nila na Eat Bulaga! Mapapanuod sa naturang video na kasalukuyang nagtatrabaho si Vic at naghohost ng programa nang bigla na lamang agawin ni Baby Tali ang kaniyang mikropono na tila ba ayaw siyang payagan na magsalita.

Ayon naman sa mga salitang binitawan ng batikang komedyante ay kailangan niyang magtrabaho upang mayroon silang pambili ng gatas ni Baby Tali dahil sa napakalakas nitong tumoma. Hindi rin naman napigilan ng iba pang Dabarkad hosts tulad nina Pia Guanio, Maine Mendoza at Jose Manalo na matuwa sa napakacute na kakulitan ni Baby Tali.

 

View this post on Instagram

 

Ayaw bigyan ng mic 😂 kulit mo Tali, nagtatrabaho pa si Daddy 😆 #TalithaMaria

A post shared by Talitha Maria Luna Sotto 🌸 (@love.talitha) on

Mayroon pa siyang isang video kasama ang kaniyang Daddy kung saan makikita na lamang na naglalaro si Baby Tali sa tabi ng kaniyang ama habang nagtatrabaho ito at talagang behave na behave.


Continue Reading

Family

Anak nina Mariel at Robin Padilla nagdiwang ng ika-11 buwang gulang sa masayang Care Bear pajama-themed party!

Published

on

Kasiyahan na ng maraming mga magulang ang maibigay ang hilig o gusto ng kanilang mga anak lalo na sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan. Wala tayong ibang nais kundi ang ikasasaya at ikatutuwa nila.

Kung kaya naman kahit bata pa sila ay talagang ginagawa natin ang lahat upang mapaligaya sila. Tulad na lamang ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla na masayang ipinagdiwang ang ika-11 buwang gulang ng kanilang bunsong anak na si Maria Gabriela.

Tuwang-tuwa siya dahil sa naghanda ang kaniyang mga magulang ng Care Bear Pajama Themed Party para sa kaniya. Maaaring musmos pa siya at hindi niya maaalala ang mga ito sa kaniyang pagtanda ngunit wala pa ring makakapantay sayang nadarama niya at ng kaniyang pamilya habang sila ay nagkakaroon ng kasiyahan.



Oktubre 16 nang ibahagi ni Mariel ang ilang mga larawan ng naging selebrasyon nilang pamilya. Ayon pa sa naging pahayag niya ay marunong na diumanong magsabi ang kaniyang anak kung ano ang gusto niya, kung saan niya gustong pumunta at kung anong kanta ang nais niyang pakinggan.


Napakaganda ng naging paghahanda para sa espesyal na araw na ito ni Gabriela kahit pa nga sa loob lamang ng kanilang tahanan ginanap ang lahat. Nakasuot din naman ng makukulay na mga kasuotan ang buong mag-anak. Kulay asul ang suot ni Robin habang naka-pink naman si Mariel.

Nakasuot naman ng kulay dilaw na costume si Isabella at light blue naman para kay Gabriela. Maraming mga netizens naman ang talagang natuwa sa naging selebrasyong ito ng Padilla family.

Tiyak na mas aabangan ng publiko ang selebrasyon para sa isang taong kaarawan ng kanilang bunso. Si Mariel Rodriguez-Padilla ay 36 taong gulang na commercial model, endorser, television host, VJ at aktres.

Taong 2010 nang ikinasal siya sa action star at director na si Robin Padilla sa Taj Mahal sa India. Naranasan na ni Mariel ang makunan noon nang ilang beses kung kaya naman talagang naging maingat na siya ng ipinagbuntis niya ang kaniyang anak na si Maria Isabella na isinilang noong 2016 at si Maria Gabriela


Continue Reading

Family

Ito na pala ang buhay ngayon ng sikat na Mexican actress na si Thalia!

Published

on

Bago pa man sumikat ang mga Korean dramas sa bansa ay una nang napamahal sa atin ang mga Mexican dramas. Marahil ilan sa mga hindi natin makakalimutang programa noong atin kabataan ay ang MariMar, Rosalinda, Maria la del Barrio, Maria Mercedes at marami pang iba.

Ngunit ang aktres pala sa likuran ng mga sikat na karakter na ito ay walang iba kundi si Thalia. Si Thalia ay si Ariadna Thalía Sodi Miranda sa tunay na buhay.

Siya ay 49 na taong gulang na aktres, singer, at businesswoman. Talaga namang hinangaan siya ng maraming mga tao sa buong mundo hindi lamang sa pagiging mahusay niyang aktres kundi maging sa pambihirang talento niya rin sa pag-awit.



Binansagan din siyang “Queen of Latin Pop” dahil sa mga sold out albums at concerts niya. Kilala din siya bilang “Queen of Telenovelas” dahil sa mga nagawa niyang proyekto na hanggang sa ngayon ay hinahangaan pa rin ng publiko.

Kahit pa nga hindi na natin siya madalas makita sa harap ng telebisyon ngayon ay aktibo pa rin pala siya sa kaniyang karera sa Mexico. Taong 2017 lamang ay nagkaroon siya ng matagumpay na concert tour at album na talagang sinuportahan ng napakarami niyang mga tagahanga sa buong mundo.

Dahil na rin sa pambihirang dedikasyon niya sa kaniyang trabaho ay mayroon na siya ngayong $60 milyon net worth. Masayang masaya rin siya sa piling ng kaniyang pamilya ngayon.

Napangasawa niya si Tommy Motola (71) na isang American music executive, producer at author noong 2000. Nabiyayaan sila ng dalawang mga anak sina Sabrina Sakaë Mottola na ipinanganak noong taong 2007 at Matthew Alejandro Mottola na isinilang naman noong 2011.

Tunay ngang wala nang mahihiling pa sa kaniyang buhay ngayon sa Thalia dahil sa halos lahat ng pinapangarap ng isang babae ay nasa kaniya na. Tiyak na marami pa ang magkakaroon ng magandang inspirasyon dahil sa kwentong ito ng kaniyang buhay at tagumpay.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org