Connect with us

Viral

Isang 23 taong gulang na babae, nagpakasal sa isang matandang lalaki kahit 41 taon ang agwat ng kanilang edad!

Published

on

Madalas na nating naririnig ang mga katagang “Love is Blind”, at “Age doesn’t matter”. Tunay nga na paagdating sa usaping pag-ibig ay mayroon tayong kaniya-kaniya nating kwento.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Tulad na lamang halimbaw ng 23 taong gulang na si Venus Usman na nagpakasal sa 64 taong gulang na si Max Gandalibo. Hindi naging madali para kay Venus ang lahat dahil sa mga panghuhusga at masasakit na salitang naririnig niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Ngunit para sa kanilang dalawa ay wala namang masama sa nais nilang pagpapakasal dahil sa wala naman silang ginagawang masama sa kanilang kapwa. Sa katunayan ay mayroon pa ngang basbas mula sa unang asawa ni Max ang relasyon at pagpapakasal ng dalawa.



Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Inamin din ni Venus na mayroon na siyang naging asawa noon ngunit naghiwalay rin silang dalawa. Maging ang kanilang isang anak ay binawian ng buhay dahil sa dati niyang mister.
Si Max ay dating isang kapitan sa kanilang lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Venus. Kung kaya naman siya pa mismo ang nagkasal noon at nagpahiwalay sa dalawa.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Bilang kapitan ay maraming mga humihingi ng tulong sa kaniya at kabilang na nga ang pamilya ni Venus sa mga taong natulungan niya. Laking pasasalamat naman ni Venus sa kaniya dahil sa palagi nitong tinutulungan ang kaniyang pamilya sa abot ng kaniyang makakaya.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Aminado naman si Venus na hindi niya talaga gustong magpakasal kay Max noon dahil sa malaking agwat ng kanilang edad at dahil na rin sa mga sinasabi ng marami na pera lamang ang habol niya sa kaniya. Ngunit makalipas ang panunuyo ni Max ay talaga namang nahulog na rin ang kalooban ni Venus sa kaniya. Pebrero 14, 2020 nga ay ikinasal ang dalawa.

Marahil marami ang magsasabing nataon pa na “Valentine’s Day” ang araw na ito ngunit paglilinaw naman ng dalawa na hindi ito pinagdiriwang ng mga Muslim. Nais lamang talaga nilang idaos ang kanilang kasal ng araw na ito.


Showbiz

Ryza Cenon at asawa nito, isang anak lamang ang nais. Ito pala ang kanilang dahilan!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang biyayang maituturing mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga magulang ay binibiyayaan ng anak o ng mga anak kung kaya naman talagang masayang masaya ang mga mag-asawa na nagkakaroon ng sarili nilang mga anak.

Kamakailan lamang ay nabigla nga ang publiko sa naging rebelasyon ng aktres na si Ryza Cenon na siya ay nagdadalang tao. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na kakahiwalay pa lamang nila ng kaniyang dating nobyo na si Cholo Barretto na isa ring sikat na aktor.

Sa kabila ng kabiguang ito ay nakatagpo siyang muli ng bagong pag-ibig sa katauhan ng kaniyang nobyo ngayon na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer at anak ng isa sa pinakasikat na “production designer” sa bansa. Ayon sa ilang mga ulat ay nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan.



Matapos ang halos pitong buwang panliligaw ni Miguel ay nakamit din niya ang matamis na oo ng aktres. Enero 2020 nang maging magkasintahan na nga ang dalawa. At Oktubre 31, 2020 naman ay nabiyayaan na sila ng isang supling, ang kanilang panganay na anak na lalaki na pinangalanan nilang “Knight”.


Talaga namang inabangan ng maraming mga tagahanga ni Ryza ang panganganak niya at ilang linggo lamang matapos niyang makapagsilang ay naitampok nila sa YouTube channel ni Ryza ang kanilang plano na magkaroon lamang ng isang anak. Para kasi sa kanila, nais nilang mapaglaanan ng buong atensyon, oras, at panahon ang kanilang anak.

Nais din nilang masigurado ang magandang kinabukasan nito lalo na at hindi na rin naman biro ang mahal ng mga bilihin at ng matrikula sa kolehiyo. Bagamat napag-uusapan na ito ng mag-asawa ay hindi pa rin naman nila tuluyang isinasara ang kanilang pintuan kung sakaling mabibiyaan pa silang muli ng isa pang anak.


Ngunit para sa ngayon ay nais na muna nilang magpokus sa pag-aalaga ng kanilang anak.


Continue Reading

Showbiz

Richard Gomez nagpahayag ng kaniyang reaksyon patungkol sa pagdadalaga at pakikipagdate ng kaniyang unica hija na si Julianna!

Published

on

Walang ibang hangad ang mga magulang kundi ang pagtatagumpay ng kanilang mga anak. Mahirap man at maraming sakripisyo ang pagiging isang ama o ina ay talaga namang napapawi ang mga ito ng pagmamahal at pagrespeto ng kanilang mga anak sa kanila.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi habang panahon ay mananatiling bata ang mga anak, darating din kasi ang tamang panahon na magkakaedad sila at magkakaroon ng sarili nilang mga buhay. Sa ngayon nga ay unti-unti nang tinatanggap ng aktor na si Richard Gomez ang pagdadalaga ng kaniyang unica hija na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez o mas nakilala ang publiko bilang si Juliana.

Bagamat nasa edad na ang kaniyang anak upang magdesisyon sa kaniyang sarili at tumuklas ng maraming mga bagay, hindi pa rin nawawala ang pagiging “protective father” ni Richard. Nais niyang protektahan ang kaniyang anak ngunit ayaw din naman niyang maging sobrang mahigpit dahil sa hindi rin naman ito makakatulong sa pagpapalaki nilang mag-asawa sa kaisa-isa nilang anak.




Aminado din naman ang aktor na lumalaking responsable at napakagandang dalaga ni Juliana kung kaya naman hindi na siya magtataka na maraming mga lalaki ang talagang umaaligid sa kaniyang anak. Dagdag pa niya, wala namang masama rito dahil sa parte talaga ito ng buhay ng isang tao at hindi rin naman niya maaaring pigilan ang kaniyang anak na gawin ito.

Para sa kaniya ay mas mabuting payagan na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak at bigyan ng pagtitiwalang nararapat para sa kanila sa halip naman na tumakas o magsinungaling pa ang mga ito sa kanila. Magiging dahilan pa ito ng pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ng magulang at anak.

Sa tuwing mayroon namang ipapakilalang binata sa kaniya ang kaniyang anak na si Juliana ay madalas na hindi na lamang siya nagsasalita dahil sa wala talaga siyang masabi at iyon na lamang talaga ang kaniyang nagiging reaksyon, “speechless” wika niya.


Continue Reading

Celebrity

Bela Padilla masayang ibinahagi sa publiko ang lalaking nagpapatibok ngayon ng kaniyang puso!

Published

on

Sabi ng mga matatanda, ang magmahal at mahalin ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo. Marami sa atin ang lubos na pinagpala dahil sa maaga nating nakilala ang taong magmamahal sa atin ng buong buo.

Ngunit hindi lahat ay pinalad na maranasan ito dahil mayroon ding iilan na nakaranas muna ng pighati, hinagpis, at kabiguan bago pa man maranasan ang tunay na pagmamahal. Marahil ay hindi na bago sa publiko ang naging buhay pag-ibig ng sikat na aktres na si Bela Padilla na nagmahal ngunit nasaktan lamang sa huli.

Buti na lamang at sa wakas ay natagpuan na rin niya ang taong magmamahal sa kaniya. Siya ay walang iba kung hindi si Norman Ben Bay inilarawan siya ng aktres bilang “The One I Met in St. Gallen”.



Maraming mga netizens ang kinilig dahil sa ibinahaging larawan ni Bela kung saan makikita ang naging bakasyon nilang magkasintahan sa Cappadocia, Turkey. Talaga namang mababakas sa kanilang mga mata ang tunay na kaligayahan sa piling ng isa’t-isa.

Maaalalang gumawa ng isang pelikula noon si Bela na pinamagatang “Meet Me in St. Gallen” na ginanap sa St. Gallen, Switzerland noong taong 2018. Nagkomento din naman si Norman sa naging social media post ng aktres at nagsabi ng mga katagang “Hi, love,”

Mas pinakilig ng dalawa ang maraming mga netizens dahil magkaiba man sila ng lahi at nasa magkaibang lugar man sila sa mundo ay posible palang magmahalan at bumuo ng masasayang alaala ang isa’t-isa. Si Bela o si Krista Elyse Hidalgo Sullivan sa tunay na buhay ay 29 na taong gulang na aktres, film producer, screenwriter, television host, at brand ambassador.

Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng show business at talaga namang hinahangaan siya ng marami dahil sa pambihirang husay niya sa pag-arte. Mayroon din siyang nakakatuwang personalidad na talaga namang makikita sa kaniyang mga interviews at mga social media post.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org