Connect with us

Business

Isang napakayamang negosyante, binili ang bangkong hindi nagpautang sa kaniya noon upang gawing apartment!

Published

on

Marami na sa atin ang nakaranas ng mga mabibigat na pagsubok sa buhay. Hindi naging madali ang pagkamit natin ng tagumpay sa buhay at kung ano mang kaginhawan ang mayroon tayo sa ngayon.

Tiyak na maraming mga mabibigat na desisyon tayong gagawin sa buhay at mga bagay na ating isasaalang-alang. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nanatili pa rin tayong matatag at positibo sa buhay. Kamakailan lamang ay naging napakagandang inpirasyon sa publiko ang business tycoon na si Adam Deering.

Ayon sa naging post niya sa social media ay nabili na niya ang gusali ng bangko na dating hindi pumayag na pautangin siya. 21 taong gulang lamang siya noon at napagdesisyunan niyang iwanan na ang kaniyang trabaho dahil sa nais niya talagang magnegosyo.

Lumapit siya sa naturang bangko upang manghirap ng pera bilang panimula sa plano niyang negosyo dala-dala ang kaniyang business plan. Ngunit tila sinilip lamang ng babaeng manager noon ang kaniyang ginawa at agad sinabing masyadong pa siyang bata at wala pang karanasan sa pagnenegosyo kung kaya naman hindi makakaya ng bangko na pahiramin siya ng pera.




Talagang nanlumo si Adam noon dahil sa wala siyang “Plan B” sa desisyon na kaniyang ginawa. Nang mga panahong iyon ay talagang sumugal na siya dahil sa nagbitiw na siya sa dati niyang trabaho at ang pera lamang na mayroon siya ay sapat para sa tatlong buwang renta niya sa tinitirahan niyang apartment.

Mayroon din siyang binabayarang cellphone noon na nasa 30-day credit terms kung kaya naman talagang hindi aabot ang ipon niya lalo na dahil sa hindi niya nagkaroon ng pagkakataong makahiram sa bangko na ito. Ngunit hindi siya natinag at nagpaapekto dito.

Mas lalo siyang nagsumikap sa buhay kahit nagsimula siya sa pinakaibaba. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang edad ng isang tao upang makamit nito ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Basta’t mayroon lamang siyang determinasyon at pagpupursige sa buhay ay talagang hindi siya nagsawang sumubok ng sumubok hanggang sa wakas ay nagtagumpay na nga siya ng tuluyan.

Sa ngayon ay lider siya ng limang “multi-million companies” at isa pa nga sa mga ito ay “debt management firm”.


Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org