Connect with us

Showbiz

Jake Cuenca, ibinahagi sa publiko ang kaniyang customized at mamahaling jeep car!

Published

on

Si Juan Carlos Leveriza Cuenca o mas nakilala ng publiko bilang si Jake Cuenca ay 32 taong gulang na aktor at modelo. Siya ay ipinanganak sa San Jose, California, United States.

Ang kaniyang amang Espanyol ay isang arkitekto mula sa Valencia, Spain. Ang kaniya namang ina ay isang Pilipina mula sa Ilocos, Norte.

Mayroon pa siyang dalawang mga kapatid, sina Rufo at Bea. Sa edad na siyam na taong gulang ay nadiskubre siya ng talent scout na si Arvin Bentonon para sa “Cosmo Modeling Agency”.



Sa edad na sampung taong gulang ay nagkaroon na siya ng “cameo role” sa ilang mga pelikula taong 1997. Mula noon ay mas dumami pa ang kaniyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.


Noon pa man ay mahilig na sa isports si Jake. Nagkaroon kasi siya ng hindi magandang karanasan noong bata siya dahil sa kaniyang timbang kung kaya naman talagang desidido siyang maglaro ng mga isports na kaniya nang kinalakihan.

Maliban sa pagboboksing at mixed martial arts ay isa rin siyang “football player”. Sa nagdaang panahon ay talagang hinangaan ang angkin niyang kakisigan at kagwapuhan.

Marami din ang bumilib sa husay niya sa pag-arte, kontrabida man o pangunahing karakter. Hindi na nakapagtatakang kumita siya ng malaki sa mga proyektong ito, makapag-ipon, at makapagpundar ng mga bagay na kaniyang nais.

Halimbawa na lamang ay ang hilig niya sa magagarang mga sasakyan. Noon ay marami siyang koleksiyon ng mga mamahaling sasakyan ngunit napagdesisyunan niyang ibenta na lamang ang mga ito at magtira ng tatlo.

At ito nga ay ang kaniyang Starex Van na madalas niyang gamitin sa tuwing mayroon siyang trabaho at taping, mayroon din siyang Chevrolet Suburban na isang uri ng luxury car at siyempre ang kaniyang maangas at magara na Jeep Wrangle na madalas niyang gamitin lalo na kung bibiyahe siya at magpupunta sa mga bundok. Talaga namang proud na proud itong ibinahagi ni Jake sa isa sa mga vlogs ng aktor na si Enchong Dee.

Ayon kay Jake, halos dalawang taon din ang binuno niya upang matapos ang pag-customize dito. Karamihan sa mga materyales nito ay talagang pinasadya pa niya at inabot pa ng ilang mga buwan bago niya makuha.

Dagdag pa niya ay nasa “seven figures” na ang inabot na halaga ng kaniyang magarang sasakyan. Talaga namang napakaangas at napakaastig ng kaniyang sasakyan na bagay na bagay sa kaniyang personalidad.


Showbiz

Charee Pineda, ligtas na isinilang ang panganay nilang anak ng kaniyang mister!

Published

on

Si Crissha Morrison Pineda o si Charee Pineda-Soledad ay 30 taong gulang na aktres at pulitiko. Siya ay unang nakilala bilang isang Kapamilya artist kung saan siya nakagawa ng ilang mga proyekto tulad na lamang ng “Let’s Go”, “Katorse”, “Precious Hearts Romances Presents: Alyna”, “Angelito: Batang Ama” at “Angelito: Ang Bagong Yugto”.

Matapos nito ay lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan din siya ng maraming mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Sa ngayon ay “incumbent councilor” siya ng Valenzuela City.

Kamakailan lamang ay binati siya ng maraming mga netizens dahil sa pagsisilang niya sa kanilang panganay na anak. Nagsilang ng isang “baby boy” ang aktres na pinangalan nilang Baby Cesco o Martell Franceso Soledad.



“My answered prayer” at “Early Christmas present” nga ang paglalarawan ni Charee sa kanilang anak. Talaga namang walang mapagsidlan ang kaniyang kagalakan.

“My answered prayer. My baby Martell Francisco Soledad! So many blessing to be thankful for. First, Thank you Lord for our super early Christmas present. Thank you for keeping us safe.” Pagbabahagi ni Charee sa kaniyang Instagram post.

Nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa naging ligtas ang kaniyang pagsilang, ligtas siya at ang kaniyang anak kahit pa nga 38 weeks pa lamang si Baby Cesco. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga doktor at nars na nag-asikaso sa kanilang mag-ina.

Maging ang kaniyang mister na si Martell ay nagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at nagdasal para sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Biro pa niya, panay kausap daw kasi ni Charee sa kanilang anak habang nasa sinapupunan pa niya ito.

Nais ni Charee na makasama na nila si Baby Cesco bago sumapit ang Kapaskuhan kung kaya naman Nobyembre 28, 2020 nang maipanganak siya. Tunay nga na walang makapapantay sa kaligayahan nadarama ng mga magulang oras na masilayan nila ang kanilang supling.

Maaaring mahirap ang pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ng bata ngunit ang karanasang ito ay magkasamang pinagdaraanan ng mag-asawa na lalong nakapagpapatatag sa kanilang pagsasamahan.


Continue Reading

Showbiz

Ryza Cenon at asawa nito, isang anak lamang ang nais. Ito pala ang kanilang dahilan!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang biyayang maituturing mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga magulang ay binibiyayaan ng anak o ng mga anak kung kaya naman talagang masayang masaya ang mga mag-asawa na nagkakaroon ng sarili nilang mga anak.

Kamakailan lamang ay nabigla nga ang publiko sa naging rebelasyon ng aktres na si Ryza Cenon na siya ay nagdadalang tao. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na kakahiwalay pa lamang nila ng kaniyang dating nobyo na si Cholo Barretto na isa ring sikat na aktor.

Sa kabila ng kabiguang ito ay nakatagpo siyang muli ng bagong pag-ibig sa katauhan ng kaniyang nobyo ngayon na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer at anak ng isa sa pinakasikat na “production designer” sa bansa. Ayon sa ilang mga ulat ay nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan.



Matapos ang halos pitong buwang panliligaw ni Miguel ay nakamit din niya ang matamis na oo ng aktres. Enero 2020 nang maging magkasintahan na nga ang dalawa. At Oktubre 31, 2020 naman ay nabiyayaan na sila ng isang supling, ang kanilang panganay na anak na lalaki na pinangalanan nilang “Knight”.


Talaga namang inabangan ng maraming mga tagahanga ni Ryza ang panganganak niya at ilang linggo lamang matapos niyang makapagsilang ay naitampok nila sa YouTube channel ni Ryza ang kanilang plano na magkaroon lamang ng isang anak. Para kasi sa kanila, nais nilang mapaglaanan ng buong atensyon, oras, at panahon ang kanilang anak.

Nais din nilang masigurado ang magandang kinabukasan nito lalo na at hindi na rin naman biro ang mahal ng mga bilihin at ng matrikula sa kolehiyo. Bagamat napag-uusapan na ito ng mag-asawa ay hindi pa rin naman nila tuluyang isinasara ang kanilang pintuan kung sakaling mabibiyaan pa silang muli ng isa pang anak.


Ngunit para sa ngayon ay nais na muna nilang magpokus sa pag-aalaga ng kanilang anak.


Continue Reading

Showbiz

Richard Gomez nagpahayag ng kaniyang reaksyon patungkol sa pagdadalaga at pakikipagdate ng kaniyang unica hija na si Julianna!

Published

on

Walang ibang hangad ang mga magulang kundi ang pagtatagumpay ng kanilang mga anak. Mahirap man at maraming sakripisyo ang pagiging isang ama o ina ay talaga namang napapawi ang mga ito ng pagmamahal at pagrespeto ng kanilang mga anak sa kanila.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi habang panahon ay mananatiling bata ang mga anak, darating din kasi ang tamang panahon na magkakaedad sila at magkakaroon ng sarili nilang mga buhay. Sa ngayon nga ay unti-unti nang tinatanggap ng aktor na si Richard Gomez ang pagdadalaga ng kaniyang unica hija na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez o mas nakilala ang publiko bilang si Juliana.

Bagamat nasa edad na ang kaniyang anak upang magdesisyon sa kaniyang sarili at tumuklas ng maraming mga bagay, hindi pa rin nawawala ang pagiging “protective father” ni Richard. Nais niyang protektahan ang kaniyang anak ngunit ayaw din naman niyang maging sobrang mahigpit dahil sa hindi rin naman ito makakatulong sa pagpapalaki nilang mag-asawa sa kaisa-isa nilang anak.




Aminado din naman ang aktor na lumalaking responsable at napakagandang dalaga ni Juliana kung kaya naman hindi na siya magtataka na maraming mga lalaki ang talagang umaaligid sa kaniyang anak. Dagdag pa niya, wala namang masama rito dahil sa parte talaga ito ng buhay ng isang tao at hindi rin naman niya maaaring pigilan ang kaniyang anak na gawin ito.

Para sa kaniya ay mas mabuting payagan na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak at bigyan ng pagtitiwalang nararapat para sa kanila sa halip naman na tumakas o magsinungaling pa ang mga ito sa kanila. Magiging dahilan pa ito ng pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ng magulang at anak.

Sa tuwing mayroon namang ipapakilalang binata sa kaniya ang kaniyang anak na si Juliana ay madalas na hindi na lamang siya nagsasalita dahil sa wala talaga siyang masabi at iyon na lamang talaga ang kaniyang nagiging reaksyon, “speechless” wika niya.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org