Connect with us

Viral

Kilalanin ang fan-turned fiancée ni Jake Zyrus na si Shyre Aquino!

Published

on

Si Charmaine Clarice Relucio Pempengco o mas kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus ay 28 taong gulang na singer, songwriter, actor, at music producer. Ayon sa ilang mga ulat, ang kaniyang Mommy Racquel lamang ang sumuporta at nagpalaki sa kaniya.

Sa murang edad na pitong taong gulang ay kinailangan na ding maghanap-buhay ni Jake. Madalas ay lumalahok siya sa mga piyesta sa baryo hanggang sa sumali na din siya sa mga singing contests sa telebisyon.

Sa ngayon ay higit na rin sa isang daan ang mga nasalihan niyang paligsahan. Taong 2005 ay naging isa siya sa mga kalahok ng “Little Big Star” ngunit bandang huli ay nagwagi lamang siya ng ikatlong pwesto.



Naging “internet sensation” siya noon gtaong 2007 nang maging viral ang isa sa kaniyang mga video na nagkaroon ng higit sa 15 milyong views. Marso 2012 nang mapansin ng publiko ang pagbabago ng pisikal na anyo ni Jake na noon ay kilala pa bilang si Charice Pempengco.

Maaalalang nakapanayam siya noon ng kaniyang ninang na si Oprah Winfrey kung saan ibinahagi niyang noon pa man ay nagkakaroon na siya ng “attraction” sa mga babae ngunit wala pa siyang planong subukan ang “gender transition”. Taong 2017 naman ay napabalita ang pakikipaghiwalay nito sa kaniyang live-in partner na si Alyssa Quijano.

At sa ngayon nga ay mayroon nang babaeng nagpapatibok muli ng kaniyang puso. Ito ay walang iba kundi si Shyre Aquino. Siya ay isang registered nutrionist at dietician.

Masayang masaya ang dalawa sa kanilang pag-iibigan at talagang kitang kita naman ito sa mga larawan na ibinabahagi nila sa kanilang mga social media accounts. Para kay Jake ay si Shyre ang tumulong sa kaniya at nagmahal ng lubos ng mga panahong gulong-gulo siya sa kanyang buhay.

Minsan nang naibahagi ni Jake na naging masugid niyang tagahanga si Shyre noon bago pa man sila naging magkaibigan at magkasintahan. Siya rin ang tumanggap sa kaniyang ng buong buo.


Showbiz

Ryza Cenon at asawa nito, isang anak lamang ang nais. Ito pala ang kanilang dahilan!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang biyayang maituturing mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga magulang ay binibiyayaan ng anak o ng mga anak kung kaya naman talagang masayang masaya ang mga mag-asawa na nagkakaroon ng sarili nilang mga anak.

Kamakailan lamang ay nabigla nga ang publiko sa naging rebelasyon ng aktres na si Ryza Cenon na siya ay nagdadalang tao. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na kakahiwalay pa lamang nila ng kaniyang dating nobyo na si Cholo Barretto na isa ring sikat na aktor.

Sa kabila ng kabiguang ito ay nakatagpo siyang muli ng bagong pag-ibig sa katauhan ng kaniyang nobyo ngayon na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer at anak ng isa sa pinakasikat na “production designer” sa bansa. Ayon sa ilang mga ulat ay nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan.



Matapos ang halos pitong buwang panliligaw ni Miguel ay nakamit din niya ang matamis na oo ng aktres. Enero 2020 nang maging magkasintahan na nga ang dalawa. At Oktubre 31, 2020 naman ay nabiyayaan na sila ng isang supling, ang kanilang panganay na anak na lalaki na pinangalanan nilang “Knight”.


Talaga namang inabangan ng maraming mga tagahanga ni Ryza ang panganganak niya at ilang linggo lamang matapos niyang makapagsilang ay naitampok nila sa YouTube channel ni Ryza ang kanilang plano na magkaroon lamang ng isang anak. Para kasi sa kanila, nais nilang mapaglaanan ng buong atensyon, oras, at panahon ang kanilang anak.

Nais din nilang masigurado ang magandang kinabukasan nito lalo na at hindi na rin naman biro ang mahal ng mga bilihin at ng matrikula sa kolehiyo. Bagamat napag-uusapan na ito ng mag-asawa ay hindi pa rin naman nila tuluyang isinasara ang kanilang pintuan kung sakaling mabibiyaan pa silang muli ng isa pang anak.


Ngunit para sa ngayon ay nais na muna nilang magpokus sa pag-aalaga ng kanilang anak.


Continue Reading

Showbiz

Richard Gomez nagpahayag ng kaniyang reaksyon patungkol sa pagdadalaga at pakikipagdate ng kaniyang unica hija na si Julianna!

Published

on

Walang ibang hangad ang mga magulang kundi ang pagtatagumpay ng kanilang mga anak. Mahirap man at maraming sakripisyo ang pagiging isang ama o ina ay talaga namang napapawi ang mga ito ng pagmamahal at pagrespeto ng kanilang mga anak sa kanila.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi habang panahon ay mananatiling bata ang mga anak, darating din kasi ang tamang panahon na magkakaedad sila at magkakaroon ng sarili nilang mga buhay. Sa ngayon nga ay unti-unti nang tinatanggap ng aktor na si Richard Gomez ang pagdadalaga ng kaniyang unica hija na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez o mas nakilala ang publiko bilang si Juliana.

Bagamat nasa edad na ang kaniyang anak upang magdesisyon sa kaniyang sarili at tumuklas ng maraming mga bagay, hindi pa rin nawawala ang pagiging “protective father” ni Richard. Nais niyang protektahan ang kaniyang anak ngunit ayaw din naman niyang maging sobrang mahigpit dahil sa hindi rin naman ito makakatulong sa pagpapalaki nilang mag-asawa sa kaisa-isa nilang anak.




Aminado din naman ang aktor na lumalaking responsable at napakagandang dalaga ni Juliana kung kaya naman hindi na siya magtataka na maraming mga lalaki ang talagang umaaligid sa kaniyang anak. Dagdag pa niya, wala namang masama rito dahil sa parte talaga ito ng buhay ng isang tao at hindi rin naman niya maaaring pigilan ang kaniyang anak na gawin ito.

Para sa kaniya ay mas mabuting payagan na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak at bigyan ng pagtitiwalang nararapat para sa kanila sa halip naman na tumakas o magsinungaling pa ang mga ito sa kanila. Magiging dahilan pa ito ng pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ng magulang at anak.

Sa tuwing mayroon namang ipapakilalang binata sa kaniya ang kaniyang anak na si Juliana ay madalas na hindi na lamang siya nagsasalita dahil sa wala talaga siyang masabi at iyon na lamang talaga ang kaniyang nagiging reaksyon, “speechless” wika niya.


Continue Reading

Viral

Isang 23 taong gulang na babae, nagpakasal sa isang matandang lalaki kahit 41 taon ang agwat ng kanilang edad!

Published

on

Madalas na nating naririnig ang mga katagang “Love is Blind”, at “Age doesn’t matter”. Tunay nga na paagdating sa usaping pag-ibig ay mayroon tayong kaniya-kaniya nating kwento.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Tulad na lamang halimbaw ng 23 taong gulang na si Venus Usman na nagpakasal sa 64 taong gulang na si Max Gandalibo. Hindi naging madali para kay Venus ang lahat dahil sa mga panghuhusga at masasakit na salitang naririnig niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Ngunit para sa kanilang dalawa ay wala namang masama sa nais nilang pagpapakasal dahil sa wala naman silang ginagawang masama sa kanilang kapwa. Sa katunayan ay mayroon pa ngang basbas mula sa unang asawa ni Max ang relasyon at pagpapakasal ng dalawa.



Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Inamin din ni Venus na mayroon na siyang naging asawa noon ngunit naghiwalay rin silang dalawa. Maging ang kanilang isang anak ay binawian ng buhay dahil sa dati niyang mister.
Si Max ay dating isang kapitan sa kanilang lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Venus. Kung kaya naman siya pa mismo ang nagkasal noon at nagpahiwalay sa dalawa.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Bilang kapitan ay maraming mga humihingi ng tulong sa kaniya at kabilang na nga ang pamilya ni Venus sa mga taong natulungan niya. Laking pasasalamat naman ni Venus sa kaniya dahil sa palagi nitong tinutulungan ang kaniyang pamilya sa abot ng kaniyang makakaya.

Credits to Kapuso Mo Jessica Soho

Aminado naman si Venus na hindi niya talaga gustong magpakasal kay Max noon dahil sa malaking agwat ng kanilang edad at dahil na rin sa mga sinasabi ng marami na pera lamang ang habol niya sa kaniya. Ngunit makalipas ang panunuyo ni Max ay talaga namang nahulog na rin ang kalooban ni Venus sa kaniya. Pebrero 14, 2020 nga ay ikinasal ang dalawa.

Marahil marami ang magsasabing nataon pa na “Valentine’s Day” ang araw na ito ngunit paglilinaw naman ng dalawa na hindi ito pinagdiriwang ng mga Muslim. Nais lamang talaga nilang idaos ang kanilang kasal ng araw na ito.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org