Connect with us

Amazing

Raffy Tulfo aminadong bilyong piso nga ang nagiging kita niya sa YouTube, saan nga ba napupunta ang malaking halaga na ito?

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang salitang “vlogging”. Marami pa nga sa atin ang talagang nangangarap na magkaroon ng sarili nating YouTube channel dahil sa napakadaling kumita ng pera dito basta’t papatok ang mga video na ipopost. Marahil isa sa pinakasikat na vlogger ngayon ay ang host na si Raffy Tulfo.

Sinundan ng mga Kapamilya actress at vloggers na sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga. Ayon sa ilang mga ulat, nasa P2.1 bilyong piso ang kinikita ng kaniyang mga videos sa loob lamang ng ilang buwan.

Nang makapanayam naman ng “Frontliner Pilipinas”ang batikang host ay tinanong sa kaniya kung saan nga ba talaga napupunta ang perang kinikita niya sa mga YouTube videos niya. Hindi naman siya nagdalawang-isip na sagutin ito.


Ayon kay Raffy malaking bahagi ng kaniyang kinikita at napupunta sa pagtulong niya sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong. Ngunit nilinaw din naman niyang ang kaunting parte dito ay napupunta sa kaniya, para sa personal niyang pangangailangan at para sa kaniyang pamilya.



Ang pinakamalaking bahagi nito ay nakalaan pa rin para pangtulong sa mga taong lumalapit sa kanilang programa. Tinanong din siya kung binibigyan niya ng pera ang kaniyang mga kapatid na sina Erwin, Ben, at Ramon Tulfo.

Matapat naman niya itong sinagot at sinabing mayroon namang mga pera ang kaniyang mga kapatid kung kaya naman hindi na nila kailangan pa ang perang mula sa mga viral videos ni Raffy. At isa pa, magiging insulto pa ito para sa kaniyang mga kapatid. Ibinahagi din naman niya kung ano nga ba talaga ang sikreto upang mas dumami pa ang mga taong sumusubaybay sa kaniyang YouTube channel.

Ayon sa kaniya, napakahalaga ng kredibilidad dahil sa noon pa man ay naipakita na niya sa publiko kung ano nga ba talaga ang kaniyang layunin sa pagtulong sa mga taong mahihirapan at nangangailangan ng tulong.


Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org