Connect with us

Showbiz

Shamcey Supsup ibinahagi sa publiko ang naging masayang pamumuhay nya noon sa probinsiya bago pa man siya maging isang beauty queen!

Published

on

Si Shamcey Gurrea Supsup-Lee ay 34 na taong gulang na beauty queen title holder at National Director na ngayon ng Miss Universe Philippines Organization. Siya ay kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Universe noong 2011at naging kinatawan siya ng Pilipinas sa 60th Miss Universe pageant na ginanap sa São Paulo, Brazil kung saan siya kinoronahan bilang 3rd-Runner Up.


Ikinasal siya noong Disyembre 2013 sa kaniyang nobyong si Lloyd Lee na isang businessman. Enero 2016 nang isilang niya ang panganay nilang anak na babae, si Nyke habang si Nathan naman ay ipinanganak noong taong 2018.

Tunay ngang mapalad si Shamcey dahil sa mayroon siyang magandang karera ngayon at masayang pamilya. Ngunit tulad din pala ng iba ay nakaranas din siya ng ilang mga pagsubok sa buhay kung saan naranasan niyang mag-alaga ng mga bibe, manok at kalabaw.



Ang kaniyang ama at tita lamang niya ang kasama niya sa kanilang bahay sa probinsiya dahil sa isang Overseas Filipino Worker ang kaniyang ina. Nanirahan sila noon sa General Santos kung saan sila namuhay ng simple at masaya nguni t kinailangan niyang lumipat sa Maynila dahil sa doon na rin magtatrabaho ang kaniyang ina.

Ayaw niya talagang mangyari yun dahil nais niya pa ring pumasok sa kaniyang dating paaralan.

“Pinalipat ako ni mama sa Manila noong high school ako dahil dito na din siya nagtrabaho. Naiinis ako ng sobra kasi gusto sa dating school pa din ako mag-aral sa MSU.” Pagkukwento pa niya.


Sa kabila nito ay hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus ay mas nagsumikap pa siya sa kaniyang pag-aaral kung kaya naman naging salutatorian siya sa Makati High School at nakapasok siya sa pangarap niyang unibersidad, ang Unibersidad ng Pilipinas (UP).

“Kaya ang masasabi ko sa mga kapwa ko promdi, huwag kayong mahiya o matakot dahil pang world class kayo. Ako nga narating ko ang universe!),” Pahayag ni Shamcey.


Showbiz

Talaga namang nakakakilig ang simpleng mensahe ni Arjo Atayde para kay Maine Mendoza: “She’s my core and I’m happy.”

Published

on

Si Juan Carlos Campo Atayde o mas nakilala natin sa screen name niyang Arjo Atayde ay isa sa pinakamahusay na aktor ngayon sa industriya ng show business. Ang kaniyang ina ay ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez habang isa na ring aktres ang kaniyang kapatid na si Ria Atayde.

Photo credits: Arjo Atayde instagram

Mayroon pa siyang dalawang nakakabatang kapatid maliban kay Ria, sina Gela at Xavi. Sa ngayon ay labis na pinagpala ang aktor hindi lamang dahil sa napakagandang takbo ng kaniyang pag-aartista kundi maging sa napakakulay niyang buhay pag-ibig.

Mas nagiging matatag pa kasi sila ng kaniyang nobyang si Maine Mendoza sa paglipas ng panahon. Nang makatanggap si Arjo ng “Best Actor” award nyka sa Asian Academy Creative Awards ay talaga namang napakasaya niya.

Photo credits: Arjo Atayde instagram



Binati siya ng kaniyang pamilya, mga kaibigan at maging ng kaniyang nobyang si Maine. Naging kahanga-hanga kasi ang kaniyang pagganap sa iWant digital series niyang “Bagman”.
Matapos pasalamatan ng aktor ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, labis din siyang nagpasalamat kay Maine na siyang naging “core” niya at dahilan ng kaniyang kaligayahan. Tunay nga na marami pa rin ang kinikilig sa kanilang relasyon.

Photo credits: Arjo Atayde instagram

Ibinahagi din ni Arjo na hindi sila ang klase ng mga magkasintahan na madalas nagpopost sa social media patungkol sa kanilang relasyon. Para kay Arjo ay Maine ay napakahalaga ng pagmamahal at respeto nila sa isa’t-isa. Malaking bagay din na hindi na nilang ibinabahagi pa sa social media ang lahat ng nangyayari sa kanila.

Photo credits: Arjo Atayde instagram

Masaya na silang magkasama, magkulitan at mag-usap sa tuwing magkakasama sila. Para naman kay Arjo, sabik na siyang subukan na maging isang “producer” sa wastong edad marahil ay sa 2021.

Ngunit hindi pa rin niya kalilimutan o kinaliligtaan ang mga taong nais niya talagang makasama sa hinaharap. Sina Denzel Washington, Robert de Niro, Anthony Hopkins at marami pang iba.

Sa mga local celebrities naman ay nais niyang makatrabaho sina John Lloyd at Maine sa hinaharap.


Continue Reading

Showbiz

Karla Estrada, ibinahagi sa publiko na may sapat nang pera ang kaniyang anak na si Daniel Padilla sa edad nitong 35-anyos at maaari na din itong magretiro nang ganoon kaaga!

Published

on

Marami sa atin ang nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng maganda at maayos na trabaho sa hinaharap. Ito ay upang maging komportable ang pamumuhay ng isang tao gayundin naman ang kaniyang magiging pamilya.

Photo credit: Daniel Padilla instagram

Nakakalungkot lamang isipin na marami sa atin ang talagang nagsusunog ng kilay at nagpapakapagod matupad lamang ang pangarap natin ito. Makapagpundar ng ilang mga ari-arian, sasakyan at negosyo, masuportahan ang ating sariling pamilya sa abot ng ating makakaya at makapagretiro sa wastong edad upang kahit papaano ay maging masaya naman tayo sa ating pagtanda.

Photo credit: Daniel Padilla instagram

Marahil ito ang ilan sa mga pangarap ng mga ordinaryong indibidwal sa ngayon. Ngunit para sa aktor na si Daniel Padilla, hindi na niya ito dapat pang alalahanin.



Ayon kasi sa naging pagbubunyag ng kaniyang ina na si Karla Estrada sa naging pagkukwentuhan nila ni Dra. Vicki Belo sa vlog ng huli, may sapat nang ipon si Daniel. Sa edad na 35 ay sigurado na ang kaniyang ina na mayroon na siyang perang nakalaan kahit pa magretiro na ito nang ganoon kaaga at tiyak na hanggang sa mga magiging apo niya ay aabot ito.

Photo credit: Daniel Padilla instagram

Pagbabahagi pa ni Karla, hindi talaga palahingi ang kaniyang anak sa kaniya ng pera, ngunit sa oras na humingi na ito sa kaniya ay talagang mapapakapit ka sa pader dahil madalas ay kotse o di kaya naman ay motorsiklo ang pinaglalaanan niya ng pera niyang ito. Hindi din naman nagkulang ang kaniyang ina na pangaralan siya tungkol dito.

Ayon kay Karla ay palagi niyang sinasabi sa kaniyang panganay na alamin muna kung magandang klase ba ito bago niya bilhin. Nais na rin niyang hayaan ang anak na maghawak ng sarili niyang pera upang matuto na rin ito sa pagba-budget dahil sa hindi na rin naman siya bumabata.

Photo credit: Daniel Padilla instagram

Sa ngayon ay 25-anyos na ang aktor at talaga namang marami pa rin ang dumadating na mga proyektong pelikula, teleserye at “endorsements” sa kaniya.


Continue Reading

Showbiz

Charee Pineda, ligtas na isinilang ang panganay nilang anak ng kaniyang mister!

Published

on

Si Crissha Morrison Pineda o si Charee Pineda-Soledad ay 30 taong gulang na aktres at pulitiko. Siya ay unang nakilala bilang isang Kapamilya artist kung saan siya nakagawa ng ilang mga proyekto tulad na lamang ng “Let’s Go”, “Katorse”, “Precious Hearts Romances Presents: Alyna”, “Angelito: Batang Ama” at “Angelito: Ang Bagong Yugto”.

Matapos nito ay lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan din siya ng maraming mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Sa ngayon ay “incumbent councilor” siya ng Valenzuela City.

Kamakailan lamang ay binati siya ng maraming mga netizens dahil sa pagsisilang niya sa kanilang panganay na anak. Nagsilang ng isang “baby boy” ang aktres na pinangalan nilang Baby Cesco o Martell Franceso Soledad.



“My answered prayer” at “Early Christmas present” nga ang paglalarawan ni Charee sa kanilang anak. Talaga namang walang mapagsidlan ang kaniyang kagalakan.

“My answered prayer. My baby Martell Francisco Soledad! So many blessing to be thankful for. First, Thank you Lord for our super early Christmas present. Thank you for keeping us safe.” Pagbabahagi ni Charee sa kaniyang Instagram post.

Nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa naging ligtas ang kaniyang pagsilang, ligtas siya at ang kaniyang anak kahit pa nga 38 weeks pa lamang si Baby Cesco. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga doktor at nars na nag-asikaso sa kanilang mag-ina.

Maging ang kaniyang mister na si Martell ay nagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at nagdasal para sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Biro pa niya, panay kausap daw kasi ni Charee sa kanilang anak habang nasa sinapupunan pa niya ito.

Nais ni Charee na makasama na nila si Baby Cesco bago sumapit ang Kapaskuhan kung kaya naman Nobyembre 28, 2020 nang maipanganak siya. Tunay nga na walang makapapantay sa kaligayahan nadarama ng mga magulang oras na masilayan nila ang kanilang supling.

Maaaring mahirap ang pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ng bata ngunit ang karanasang ito ay magkasamang pinagdaraanan ng mag-asawa na lalong nakapagpapatatag sa kanilang pagsasamahan.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org