Connect with us

Showbiz

Sikat na mga artistang mayaman na bago pa man pumasok sa show business, kilalanin!

Published

on

Ating kilalanin ang mga sikat na personalidad na noon pa man ay mayaman na bago pa pumasok sa pag-aartista. Narito ang ilan sa kanila:

DENISE LAUREL


Si Denise María Sanz Laurel o mas nakilala ng publiko bilang si Denise Laurel ay 33 taong gulang na aktres at singer. Apo siya ng dating bise-presidente ng bansa na si Salvador Laurel at apo sa tuhod naman ng dating presidente na si Jose P. Laurel. Hindi na nakapagtatakang lumaki siya sa isang mayamang pamilya bago pa man siya makilala bilang isang mahusay na aktres.

MIKEE COJUANGCO


Si Mikaela María Antonia “Mikee” delos Reyes Cojuangco-Jaworski ay isang 46 taong gulang na sports official, equestrienne, modelo, local television host at aktres. Isa siyang gold medalist sa 2002 Asian Games sa ginanap sa Busan, South Korea. Siya ay anak ng sikat na personalidad na si Don Peping Cojuangco. Pinsan din siya ng batikang host at “Queen of All Media” na si Kris Aquino.



KRIS AQUINO


Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas hinangaan ng publiko bilang si Kris Aquino ay 49 na taong gulang na host, aktres, producer, product endorser at businesswoman. Kilalang kilala sa bansa ang pamilya Cojuangco sa bansa. Gayundin ang kaniyang mga magulang na sina Senador Ninoy Aquino at dating presidente Cory Aquino.

BEAUTY GONZALES


Si Beauty Gonzalez-Crisologo ay isang Spanish-Filipino actress mula sa Dumaguete City. Siya ang tinanghal na 4th grand placer sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus”. Mula rin siya sa isang mayamang pamilya at kilala rin ang kanilang angkan sa politika.

ELLEN ADARNA


Si Ellen Meriam Go Adarna ay 32 taong gulang na aktres at heredera ng kaniyang pamilya.
Nagmamay-ari lang naman ng ilang mga hotels, condominiums at Queensland sa Cebu, Manila at Davao ang kaniyang pamilya. Mayroon din silang sarili nilang templo bilang pag-alaala sa kaniyang yumaong lola.

LUCY TORRES


Si Lucy Torres Gomez o Lucy Torres ay 45 taong gulang na aktres at pulitiko. Siya ay kasalukuyang representative ng 4th District ng Leyte. Siya ay kasal sa batikang aktor at matinee idol na si Richard Gomez. Ang pamilya ni Lucy ay kilala sa pagkakaroon ng malawak na plantasyon ng tubo sa Ormoc.

MAINE MENDOZA


Si Nicomaine Dei Capili Mendoza o mas nakilala natin bilang si Maine Mendoza ay 25 taong gulang na aktres, komedyante, host, businesswoman, at endorser. Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng ilang mga gasolinahan at fast-food chain sa Bulacan.


Showbiz

Charee Pineda, ligtas na isinilang ang panganay nilang anak ng kaniyang mister!

Published

on

Si Crissha Morrison Pineda o si Charee Pineda-Soledad ay 30 taong gulang na aktres at pulitiko. Siya ay unang nakilala bilang isang Kapamilya artist kung saan siya nakagawa ng ilang mga proyekto tulad na lamang ng “Let’s Go”, “Katorse”, “Precious Hearts Romances Presents: Alyna”, “Angelito: Batang Ama” at “Angelito: Ang Bagong Yugto”.

Matapos nito ay lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan din siya ng maraming mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Sa ngayon ay “incumbent councilor” siya ng Valenzuela City.

Kamakailan lamang ay binati siya ng maraming mga netizens dahil sa pagsisilang niya sa kanilang panganay na anak. Nagsilang ng isang “baby boy” ang aktres na pinangalan nilang Baby Cesco o Martell Franceso Soledad.



“My answered prayer” at “Early Christmas present” nga ang paglalarawan ni Charee sa kanilang anak. Talaga namang walang mapagsidlan ang kaniyang kagalakan.

“My answered prayer. My baby Martell Francisco Soledad! So many blessing to be thankful for. First, Thank you Lord for our super early Christmas present. Thank you for keeping us safe.” Pagbabahagi ni Charee sa kaniyang Instagram post.

Nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa naging ligtas ang kaniyang pagsilang, ligtas siya at ang kaniyang anak kahit pa nga 38 weeks pa lamang si Baby Cesco. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga doktor at nars na nag-asikaso sa kanilang mag-ina.

Maging ang kaniyang mister na si Martell ay nagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong at nagdasal para sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Biro pa niya, panay kausap daw kasi ni Charee sa kanilang anak habang nasa sinapupunan pa niya ito.

Nais ni Charee na makasama na nila si Baby Cesco bago sumapit ang Kapaskuhan kung kaya naman Nobyembre 28, 2020 nang maipanganak siya. Tunay nga na walang makapapantay sa kaligayahan nadarama ng mga magulang oras na masilayan nila ang kanilang supling.

Maaaring mahirap ang pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ng bata ngunit ang karanasang ito ay magkasamang pinagdaraanan ng mag-asawa na lalong nakapagpapatatag sa kanilang pagsasamahan.


Continue Reading

Showbiz

Ryza Cenon at asawa nito, isang anak lamang ang nais. Ito pala ang kanilang dahilan!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang biyayang maituturing mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga magulang ay binibiyayaan ng anak o ng mga anak kung kaya naman talagang masayang masaya ang mga mag-asawa na nagkakaroon ng sarili nilang mga anak.

Kamakailan lamang ay nabigla nga ang publiko sa naging rebelasyon ng aktres na si Ryza Cenon na siya ay nagdadalang tao. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na kakahiwalay pa lamang nila ng kaniyang dating nobyo na si Cholo Barretto na isa ring sikat na aktor.

Sa kabila ng kabiguang ito ay nakatagpo siyang muli ng bagong pag-ibig sa katauhan ng kaniyang nobyo ngayon na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer at anak ng isa sa pinakasikat na “production designer” sa bansa. Ayon sa ilang mga ulat ay nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan.



Matapos ang halos pitong buwang panliligaw ni Miguel ay nakamit din niya ang matamis na oo ng aktres. Enero 2020 nang maging magkasintahan na nga ang dalawa. At Oktubre 31, 2020 naman ay nabiyayaan na sila ng isang supling, ang kanilang panganay na anak na lalaki na pinangalanan nilang “Knight”.


Talaga namang inabangan ng maraming mga tagahanga ni Ryza ang panganganak niya at ilang linggo lamang matapos niyang makapagsilang ay naitampok nila sa YouTube channel ni Ryza ang kanilang plano na magkaroon lamang ng isang anak. Para kasi sa kanila, nais nilang mapaglaanan ng buong atensyon, oras, at panahon ang kanilang anak.

Nais din nilang masigurado ang magandang kinabukasan nito lalo na at hindi na rin naman biro ang mahal ng mga bilihin at ng matrikula sa kolehiyo. Bagamat napag-uusapan na ito ng mag-asawa ay hindi pa rin naman nila tuluyang isinasara ang kanilang pintuan kung sakaling mabibiyaan pa silang muli ng isa pang anak.


Ngunit para sa ngayon ay nais na muna nilang magpokus sa pag-aalaga ng kanilang anak.


Continue Reading

Showbiz

Richard Gomez nagpahayag ng kaniyang reaksyon patungkol sa pagdadalaga at pakikipagdate ng kaniyang unica hija na si Julianna!

Published

on

Walang ibang hangad ang mga magulang kundi ang pagtatagumpay ng kanilang mga anak. Mahirap man at maraming sakripisyo ang pagiging isang ama o ina ay talaga namang napapawi ang mga ito ng pagmamahal at pagrespeto ng kanilang mga anak sa kanila.

Nakakalungkot lamang isipin na hindi habang panahon ay mananatiling bata ang mga anak, darating din kasi ang tamang panahon na magkakaedad sila at magkakaroon ng sarili nilang mga buhay. Sa ngayon nga ay unti-unti nang tinatanggap ng aktor na si Richard Gomez ang pagdadalaga ng kaniyang unica hija na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez o mas nakilala ang publiko bilang si Juliana.

Bagamat nasa edad na ang kaniyang anak upang magdesisyon sa kaniyang sarili at tumuklas ng maraming mga bagay, hindi pa rin nawawala ang pagiging “protective father” ni Richard. Nais niyang protektahan ang kaniyang anak ngunit ayaw din naman niyang maging sobrang mahigpit dahil sa hindi rin naman ito makakatulong sa pagpapalaki nilang mag-asawa sa kaisa-isa nilang anak.




Aminado din naman ang aktor na lumalaking responsable at napakagandang dalaga ni Juliana kung kaya naman hindi na siya magtataka na maraming mga lalaki ang talagang umaaligid sa kaniyang anak. Dagdag pa niya, wala namang masama rito dahil sa parte talaga ito ng buhay ng isang tao at hindi rin naman niya maaaring pigilan ang kaniyang anak na gawin ito.

Para sa kaniya ay mas mabuting payagan na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak at bigyan ng pagtitiwalang nararapat para sa kanila sa halip naman na tumakas o magsinungaling pa ang mga ito sa kanila. Magiging dahilan pa ito ng pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ng magulang at anak.

Sa tuwing mayroon namang ipapakilalang binata sa kaniya ang kaniyang anak na si Juliana ay madalas na hindi na lamang siya nagsasalita dahil sa wala talaga siyang masabi at iyon na lamang talaga ang kaniyang nagiging reaksyon, “speechless” wika niya.


Continue Reading

Trending

Copyright © 2020 Chosen Files Powered by Wordpress.org