Lahat naman tayo ay dumaan sa pagiging bata. Marami sa atin ang talagang na-enjoy ang pagiging malikot at makulit na bata tulad ng tipikal na kabataang Pilipino. Mula sa pagiging bata ay lumaki na rin ang marami sa atin upang maging isang responsible at mabubuting tao. Tulad na lamang ng mga sikat na personalidad na ito, silipin natin ang naging pagbabago sa kanilang pisikal na anyo noong kanilang kabataan kumpara sa ngayon na nasa wasto na silang mga edad.
MAYMAY ENTRATA

Si Marydale “Maymay” Entrata ay 23 taong gulang na aktres, singer, modelo at host. Una na siyang nakilala noong 2016 matapos niyang magwagi bilang big winner sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7”. Kapansin-pansin naman sa throwback picture niyang ito na kahit noon pa man ay taglay niya talaga ang natural na kagandahan ng isang tunay na Pilipina.
KATHRYN BERNARDO

Ang 24 na taong gulang na si Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas nakilala ng publiko bilang si Kathryn Bernardo ay isang sikat na aktres, modelo, endorser at negosyante. Hinangaan siya noon bilang si Mara sa TV series na “Mara Clara”. At mula noon ay nabigyan na siya ng pambihirang pagkakataon na makagaw ang mga pambihirang pelikula na labis na hinangaan at tinangkilik ng maraming mga Pilipino. Sa kaniyang throwback picture ay kapansin-pansin din na mas lalo pa siyang gumanda sa ngayon.
LIZA SOBERANO

Si Hope Elizabeth “Liza” Soberano ay 22 taong gulang na Filipina-American na aktres at modelo. Isa siya sa pinakahinahangaang aktres sa bansa, hindi lamang dahil sa angkin niyang mga talento at mabuting puso kundi dahil na rin sa natural at mala-Diyosa niyang kagandahan.
KIM CHIU

Si Kimberly Sue Yap Chiu o Kim Chiu ay 30 taong gulang na aktres, modelo, at host. Marami na rin siyang natanggap na mga pagkilala at karangalan dahil sa kaniyang pambihirang talento sa pag-arte. Kahit noong bata pa siya ay nakitaan na rin siya ng pambihirang talento at ganda ng maraming mga Pilipino.
ANGELICA PANGANIBAN

Si Angelica Charlson o si Angelica Panganiban ay 33 taong gulang na akttes, komedyante at endorser na nagsimula sa industriya ng show business sa edad na anim na taong gulang. Mula pa man noong bata pa siya ay talagang mayroon na siyang pambihirang ganda na hanggang sa ngayon ay taglay pa rin niya.
BEA ALONZO

Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o si Bea Alonzo ay 32 taong gulang na aktres, modelo at endorser. Sa ngayon ay isa rin siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng show business ngunit wala din namang naging malaking pagbabago sa kaniyang hitsura dahil sa napakaganda pa rin niya.
ANNE CURTIS

Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay 35 taong gulang na Filipino-Australian actress, modelo, television host, VJ at recording artist. Parang wala din namang pinagbago ang throwback photos ni Anne sa mga larawan niya ngayon.
MAINE MENDOZA

Si Nicomaine Dei Capili Mendoza ay 25 taong gulang na aktres, host, negosyante, at endorser. Sumikat siya bilang si Yaya Dub ng Eat Bulaga! at Dubsmash Queen ng social media community. Kung noon ay neneng nene pa ang kaniyang hitsura, ngayon ay talagang napakaganda at napaka-sexy na niya.
SARAH GERONIMO

Si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli ay 32 taong gulang na singer, aktres, mananayaw, at record producer. Taong 2002 nang makilala siya ng publiko matapos niyang magwagi sa singing contest na “Star for a Night”. Mula noon ay mas marami pa ang bumilib at humanga sa pambihira niyang talento sa pagkanta, pag-arte at pagtatanghal. Mas gumanda din siya ngayon lalo na at isa na siyang misis.
Sila ang mga artistang hinahangaan at minamahal natin hanggang sa ngayon, hindi lamang dahil sa angkin nilang mga kagandahan kundi lalo’t higit sa kanilang pambihirang mga talento at mabuting puso.